Lullabye


Kaarawan


Masaya siguro ang mga anghel:
kinubabawan ka ng lahat ng kagandahan;
mga pagtanging laan sa isang
natatanging nilalang.

Susubaybayan kita,
mula sa unang kurap ng mata,
sa unang hikab, sa unang
pag-inat sa hele ng ina.

Pagmamasdan ko
ang pag-ngiti mo habang himbing
sa pagtulog, nananaginip
na nakikipaglaro sa mga
anghel na masaya siguro

dahil biniyayaan ka nang ganito


6 Nobyembre 1999

«Previous :: Next»
Back to Primal Scream


Back to node.zero ::
Send feedback to iandexter(at)mail(dot)com