Fast food


Tanghali


Kaunting panahon na lang daw
at matatamo na ang kaayusan.
Bigyan lang ng buwelo,
ng katiting na pagkakataon
puwede na.

Habang
patuloy na sumasangsang
ang baho ng kabulukang
umuukok sa buong katauhan
simula taas hanggang kaliit-liitan.
Tuloy ang pagdanak
ng pawisat madalas, dugo
sa paghahangad ng kaunting
(kahit katiting, kahit sandaling)
kaalwan.
Palagiang nagninilay sa araw-araw
kung saang kamay na naman ng kung sino
dadamputin ang ipantatawid
ng tanghalian o hapunan,
madalas nga’y maski umagahan.

Sandaling panahon pa
(malapit na, papalapit na)
at matatamo na ang kaguluhan.
At sa paghumpay ng unos,
puwede na.

Tapos na
ang nakasusulasok na samyo
ng nakaraan.
Ang paghawan ng luha
ay susundan ng ginhawa.
Di na kailangan mag-isip
kung saan kukuha
ng hapunan, o umagahan
o tanghalian.

Sandali na lang.


Divisoria, 27 Nobyembre 1999

«Previous :: Next»
Back to Primal Scream


Back to node.zero ::
Send feedback to iandexter(at)mail(dot)com